화면이 정상적으로 보이지 않을 경우, Ctrl + Shift + R(캐시 비우기 및 강력 새로고침)으로 캐시를 새로고침해 주세요.

전체메뉴

Isarado
구글번역
구글번역 닫기

서브 콘텐츠 시작

현재 페이지 위치

  • Pamumuhay sa Korea
  • Sanggunian
  • Kalusugan at Kaligtasan

Kalusugan at Kaligtasan

Ang ilegal na pagrerekord ay isang mabigat na krimen!
법제처, 한국건강가정진흥원
2019-11-12 조회수 26

Ang ilegal na pagrerekord ay isang mabigat na krimen!

 

■ Kahulugan at mga Uri ng Digital na Krimeng Sekswal

 

Ang digital na krimeng sekswal ay tumutukoy sa pagkuha ng litrato at pagbi-video ng mga bahagi ng katawan o mga akto ng pagtatalik nang walang pahintulot ng tao o pagpapakalat ng mga ilegal na pagrerekord nang walang pahintulot. Sa panahong ito na nagkakaroon ng mga bagong digital na aparato, maraming mga krimeng gumagamit ng mga ito, kaya dapat kang maging mas maingat sa ilegal na pagkuha!

 

[Mga Uri ng Digital na Krimeng Sekswal]

 

- Ilegal na pagkuha: Ilegal na pagkuha ng litrato o pagbi-video ng mga bahagi ng katawan o mga tiyak na gawain. Kung may kumuha ng litrato o video na maaaring makaligalig nang sekswal sa ibang tao, ang mismong pagkuha ay itinuturing na krimen, may pagpayag man ng tao o wala.

 

- Pagpapakalat/muling pagpapamudmod: Pag-upload ng ilegal na materyales sa mga grupong daldalan, social media, mga site ng pornograpya, mga komunidad na online o pangganting pagpapakalat para sa layuning masira ang karelasyon pagkatapos ng hiwalayan, atbp.

 

- Pagbabantang ikakalat ang mga imahe: Pagbabantang ikakalat ang mga imaheng sekswal sa pamilya at mga kakilala, o paghingi ng pera habang nagbabantang ipapakalat ang gayong materyales.

 

- Pagpapamudmod/paggamit: Mga tagapagbigay ng plataporma, tulad ng webhards at mga site ng pornograpya at kanilang mga tagagamit.

 

<Kailangan nating lahat na paigtingin ang ating kamalayan!>

 

Una, huwag i-click ang materyales na kinunan nang ilegal.

Maaari kang makasuhan ng digital na krimeng sekswal kahit sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga ilegal na pagrerekord dahil sa pagiging mausisa. Huwag kailanman i-click ang mga ilegal na pagrerekord nang sa gayo’y hindi pagkakitaan ng mga kriminal ang mga ito!

 

Ikalawa, ang pangganting pornograpya ay hindi materyal na ipinapamudmod nang may bayad.

Ang pangganting pornograpya ay isang salitang madalas gamitin upang tumukoy sa pagpapamudmod ng mga litrato o videong sekswal ng dating kasintahan bilang ganti. Ang pornograpya ay nangangahulugang pornograpyang may bayad, at hindi maaaring ituring na pornograpya ang mga ilegal na pagrerekord. Tandaan, hindi ka dapat kailanman magrekord ng sinuman nang ilegal o makilahok sa pagpapamudmod ng gayong materyales!

 


 

■ Gabay sa Pagtugon sa Ilegal na Pagkuha at Pagpapakalat

 

<i>“Sa tingin ko’y may nagrerekord nang ilegal sa pampublikong palikuran!”</i>

* Tumugon sa ilegal na pagkuha tulad ng sumusunod!

 

Agad na isumbong ang ilegal na pagkuha sa 112 o sa lokal na istasyon ng pulis sa sandaling malaman ito.

 

Kung may nakita kang nakakabit na kamera, isumite iyon bilang ebidensiya.

 

Tandaan ang mga palatandaang magagamit upang kilalanin ang maysala, tulad ng modelo ng cell phone ng maysala at itsura.

 

<i>“Ilang araw ang nakalipas, sinabi sa akin ng kaibigan ko na may nakita siyang hubad na litrato ko sa Internet.”</i>

* Tumugon sa ilegal na pagpapakalat tulad ng sumusunod!

 

Mangalap ng ebidensiya ng pagpapakalat tulad ng mga kawing ng paskil, mga orihinal na video, at mga nakuhang kopya.

 

Pagkatapos mangolekta ng ebidensiya, i-print ito sa isang panig lamang at magsumbong sa lokal na istasyon ng pulis.

 

Sumulat ng reklamo pagkatapos kumonsulta sa pulis tungkol sa mga pinsala.

 

Hilingin ang pagbura ng mga ikinalat na imahe sa pamamagitan ng namamahala sa site o mga organisasyon at mga grupong makakatulong sa pagbura ng mga iyon.

 

<i>“Pagkatapos kong sabihing hiwalay na kami, nagbabanta siyang ipapakalat ang video ng aming pagtatalik na palihim niyang kinunan”</i>

*Tumugon sa mga pagbabantang ipapakalat ang mga imahe tulad ng sumusunod!

 

Mangolekta ng ebidensiya ng mga askyong nagbabanta tulad ng mga mensaheng teksto o mga pagrerekord ng tawag, at isumbong ang mga ito sa pulis.

 

Kung mayroong orihinal na kopya na ginagamit ng kabilang partido bilang panakot sa pamamagitan ng pagbabantang ipapakalat ito, maghain ng sumbong para dito.

 

Kung hindi mo alam ang tirahan ng maysala, ipagbigay-alam ito sa istasyon ng pulis na nakakasakop sa lugar kung saan nakatira ang maysala. Kung hindi mo alam ito, ipagbigay-alam ito sa istasyon ng pulis na nakakasakop sa lugar kung saan ka nakatira.

 

■ Mga Organisasyon para sa Pagsusumbong ng at Pagpapayo sa Krimeng Sekswal

 

- Hindi kailanman kasalanan ng mga biktima ng krimeng sekswal ang nangyari sa kanila. Gayunpaman, kung nagdulot sa iyo ng pangkaisipang dagok ang nasabing insidente, mangyaring kumonsulta sa mga sumusunod na organisasyon upang makatanggap ng lunas upang mapanatili at maipanumbalik ang malusog na pamumuhay.

 

 

[Mga Organisasyong Nagbibigay ng Tulong]

 

Pangkagipitang Tanggapan ng Tawag para sa Kababaihan - 1366 (www.women1366.kr)

 

Sentrong Sumusuporta sa mga Biktima ng mga Digital na Krimeng Sekswal - 02-735-8994 (www.women1366.kr/stopds)

 

Sentro ng Pagtugon sa Karahasang Sekswal sa Cyberspace ng Korea - 02-817-7959 (www.cyber-lion.com)

 

Sentro ng Pagpapayo sa Karahasang Sekswal ng Korea - 02-338-5801 (www.sisters.or.kr)

 

Tanggapan ng Tawag para sa Kababaihan ng Korea - 02-2263-6464,5 (www.hotline.or.kr)

 

Sentro ng Pagpapayo sa Karahasang Sekswal ng Kawing ng Kababaihan ng Korea - 02-335-1858 (http://womenlink.or.kr)

 

[Mula sa]

- Opisyal na blog ng Kagawarang-bansa ng Pampamahalaang Batas, “Impormasyon sa Batas na May Kinalaman sa Buhay/Batas at Buhay”

- Pundasyon ng Kababaihan at Pamilya ng Seoul “Gabay sa Pagtugon sa Ilegal na Pagkuha at Pagpapakalat (Para sa mga Mamamayan)

 

EMB00001b400bc1

 

첨부파일
이전글
등록된 글이 없습니다.
다음글
등록된 글이 없습니다.

QUICK MENU

TOP